30 Bicol groups join UniTeam; support in the region growing

1 March 2022

AT least 30 groups are now openly supporting the BBM-Sara UniTeam in Bicol despite the odds that they could be subjected to some forms of harassment or even verbal abuse since the region is a known bailiwick of Vice President Leni Robredo.

In an interview, Irvin Sto. Tomas, a teacher and a cultural activist, admitted that he is a second cousin of Robredo, but is openly campaigning for presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and his running-mate Inday Sara Duterte in their province.

He also admitted that he campaigned for his relative (Robredo) in the 2013 elections when she ran for congresswoman in their province but the latter reportedly failed the Bicolanos.

“This election hindi naman talaga siya kung sinong relative mo o kung sinong kababayan mo. Election is actually to elect a president na magli-lead sa country. Kilala ko naman si Leni because I campaigned for her in 2013 nung nag-congresswoman siya. For me it’s BBM and Sara,” Sto. Tomas said.

He added that many of their region-mates were disappointed with Leni because she failed to deliver on her promises when she was running for congresswoman and also as second highest official in the land.

 “’Yun nga ‘yung hindi nakakatuwa meron na sanang chance ang Bicol na may congresswoman at naging vice president kaso parang na neglect pa rin ang region,” he added.

Meanwhile, Benjamin Contreras Jr. and Victoria Gumabao, both residents of Naga City admitted that they organized several caravans in Bicol region to show their support for the UniTeam.

Despite the fact that Robredo was the favorite in their region, they were shocked that more than 5,000 Bicolanos attended their caravan even on a short notice.

“Hindi lang naman ako e. Marami kami. ‘Yung iba silent BBM supporters kasi takot sila na ma-bash at ma-ostracize ng mga tao. Pero ako, matagal na noon pa, Marcos loyalist talaga ang pamilya namin,” Contreras said.

“Nagulat kami, akala namin konti lang ang sasama pero umabot kami ng mahigit 5,000 and lahat ng sumama mga volunteers. Kanya-kanyang bili ng mga damit at pagawa ng mga streamers,” Gumabao, for her part, said.

Contreras and Gumabao confirmed that more than 30 groups were created in different parts of Bicol to support the candidacy of the BBM-Sara UniTeam.

“Lahat po sila volunteers, ang puhunan lang nila pagmamahal sa bayan,” they said.

During the recent proclamation rally of the UniTeam last February 8 in Philippine arena in Bulacan, the post of vlogger Euphoniaco_tv went viral and reached 1.1 million views, after he posted a number of supporters who attended the rally all the way from Bicol region.

“Walang solid Bicol dahil kami mismo ay hindi boboto kay Robredo,” one of the supporters said.

Meanwhile, the January Tangere survey, the biggest online research panel, showed that Marcos gained 45.27 percent voters preference in Bicol region as compared to Robredo’s 25.57 percent.

-30-

FILIPINO VERSION

30 GRUPO SA BICOL SUMALI SA UNITEAM; SUPORTA SA REHIYON LUMAKAS PA

AABOT sa 30 grupo mula sa Bicol ang lantarang nagpahayag ng suporta sa BBM-Sara UniTeam sa kabila ng kanilang pangamba na maari silang makaranas ng mga pag-alipusta at harassment sa mga taga-suporta ng kaniyang katunggali na si Leni Robredo na sinasabing may balwarte sa nasabing rehiyon.

Sa panayam, sinabi ni Irvin Sto. Tomas, isang teacher at cultural activist, na kahit ‘second cousin’ niya si Robredo, hindi niya susuportahan ang kandidatura nito at sa halip ay hayagan ang ginagawa niyang pagsusulong sa tambalan nina presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at running mate na si Inday Sara Duterte sa kanilang probinsiya.

Inamin ni Sto. Tomas na noong 2013 ay sinuportahan niya si Robredo noong tumakbo itong bilang kongresista sa kanilang probinsiya.

Subalit ganoon na lang ang pagkadismaya niya dahil lahat ng ipinangako ni Robredo para sa kanilang mga kababayan ay hindi nito tinupad.

“This election hindi naman talaga siya kung sinong relative mo o kung sinong kababayan mo. Election is actually to elect a president na magli-lead sa country. Kilala ko naman si Leni because I campaigned for her in 2013 nung nag-congresswoman siya. For me it’s BBM and Sara,” ani Sto. Tomas.

Aniya, hindi lamang siya ang diskumpiyado kay Robredo dahil marami rin silang kababayan ang naghanap ng mga pangako nito para sa Bicolanos na nauwi lamang sa wala.

 “Yun nga yung hindi nakakatuwa meron na sanang chance ang Bicol na may congresswoman at naging vice president kaso parang na neglect pa rin ang region,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi nina  Benjamin Contreras Jr., at Victoria Gumabao, kapwa residente ng Naga City na sila ang pasimuno ng mga caravan sa Bicol region upang ipakita ang suporta sa UniTeam.

Batid nilang balwarte ni Robredo ang kanilang probinsiya, ngunit balewala ito sa kanila dahil naniniwala sila sa kakayahan, galling, katapatan at pagmamahal sa bayan nina Marcos at Duterte.

Gayun na lang ang gulat ng dalawa nang mahigit sa 5,000 Bicolanos ang dumalo sa kanilang caravan kahit na biglaan lamang at hindi planado ang ginawa nilang aktibidad.

“Hindi lang naman ako e. Marami kami. Yung iba silent BBM supporters kasi takot sila na ma-bash at ma-ostracize ng mga tao. Pero Ako, matagal na noon pa, Marcos loyalist talaga ang pamilya namin,” ani Contreras.

“Nagulat kami, akala namin konti lang ang sasama pero umabot kami ng mahigit 5, 000 and lahat ng sumama mga volunteers. Kanya-kanyang bili ng mga damit at pagawa ng mga streamers,” sabi naman ni Gumabao.

Ayon sa dalawa, mahigit 30 grupo na ang nagkumpirma ng suporta sa BBM-Sara UniTeam at naniniwala silang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw.

“Lahat po sila volunteers, ang puhunan lang nila pagmamahal sa bayan,” sabi pa nila.

Noong Pebrero 8, nakapagtala ang vlogger na si Euphoniaco_tv went viral ng 1.1 million views at nag-viral ito sa social media nang kunan ng pahayag ang mga Bicolanong bumiyahe pa mula Bicol papuntang Bulacan para lamang dumalo sa proclation rally ng UniTeam.

“Walang solid Bicol dahil kami mismo ay hindi boboto kay Robredo,” sabi ng isa sa mga supporters.

Samantala, sa nakalipas na survey ng Tangere, isa sa pinakamalaking online research panel, nakapagtala si Marcos ng 45.27 percent voters preference sa Bicol region kumpara sa 25.57 percent ni Robredo.

-30-