25 CITY, MUNICIPAL MAYORS OF NUEVA ECIJA SUPPORT THE BBM-SARA UNITEAM

15 March 2022

The mayors of 25 cities and municipalities in Nueva Ecija are all in behind the tandem of Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and Mayor Inday Sara Duterte.

Dindo Dysico, a candidate for board member in the second district, said that aside from the cities of Cabanatuan and Palayan, along with the municipalities of Sta. Rosa, Bongabon, Penaranda, Laur, and two others, all the other 25 cities and municipalities in Nueva Ecija fully support the candidacies of Marcos and Duterte.

“Kahit iba-iba sila ng Partido, nagkakaisa sila sa pagbibigay ng suporta kina BBM at Mayor Sara,” he said.

Several of the mayors confirmed this, with some of them even giving a reason why they committed to support the UniTeam.

Licab Mayor Femi Domingo said she and her constituents are voting for Marcos and Duterte because they will not forget how promptly the former came to their aid back in 2018 when they were severely hit by a storm.

“Mga isa o dalawang buwan bago kami binagyo, nandito siya one whole day dahil nagsagawa ng recount dito. Nung dumating ‘yung bagyo, binaha kami at problema namin pati bigas. Tumawag lang ako sa isa sa mga staff niya. Sinabi niya magpapadala daw sila ng bigas. Kinabukasan, dumating na ‘yung mga bigas. Madali siyang lapitan at talagang maaasahan mong mabilis magbigay ng tulong,” she said.

For outgoing Carranglan Mayor Mary Abad, she believes Marcos and Duterte will steer the country towards economic recovery and progress, adding that his composure and lack of anger amid the gutter politics targeting him is very admirable.

“Naniniwala kami sa kanyang kakayahan na pamunuan ang ating bansa. Habang sinisiraan siya, lalo lang siyang nagugustuhan ng mga tao,” she said.

For his part, Talugtug Mayor Pacifico Monta said he will earn the ire of his constituents if he will not support Marcos, though he was quick to add that he is a Marcos loyalist anyway, being a fellow Ilocano and having much to be grateful for the late President Ferdinand E. Marcos, who awarded lands to his constituents.

“Sa bayan ko, aawayin ka ng tao kapag hindi ka BBM. Marami rin kasi kaming mga Ilocano doon at malaki rin ang utang na loob namin kay Presidente Marcos noon dahil kung hindi dahil sa kanya hindi magkakaroon ng sariling lupa ang marami sa mga taga-Talugtug,” he said.

Meanwhile, Nampicuan Mayor Victor Badar said they fully support BBM and Sara, adding that he could not stop his constituents from supporting them, even if he wanted to.

“Hindi mo mapipigilan ang gusto ng mga tao,” he said.

On the other hand, Governor Aurelio Umali may have yet to formally endorse the UniTeam, but he and his wife Czarina, gave the UniTeam ticket a very warm welcome at their residence and even arranged for a mini-rally there when they visited on Tuesday

Umali also arranged for several pastors from different congregations in Nueva Ecija who also came to pray over Marcos and Sara, as well as the members of their senatorial slate, and bless them with biblical passages.

“Today is a day of celebration because we believe that the leader, the best leader of our land should be filled with the grace of God. And today it is an honor, an honor to thank You if they will be elected. They will be elected,” Umali said.

The pastors were from the Alliance of Ministers and Ministries of Nueva Ecija, Nueva Ecija Prayer Warriors, and New Sow Center.

The senatorial candidates who were present included Migz Zubiri, Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada, Loren Legarda, Harry Roque, and Larry Gadon.

-30-
FILIPINO VERSION

25 alkalde sa Nueva Ecija nagpahayag ng suporta sa UniTeam

Dalawampu't-limang alkalde mula sa Nueva Ecija ang nagpakita ng solidong suporta kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate na si Inday Sara Duterte.

Ayon kay Dindo Dysico, tumatakbong board member ng ikalawang distrito, na nagkaisa sila sapagkat nakita nila na sina Bongbong at Sara ang mga lider na magdadala ng kaunlaran at pagkakaisa hindi lamang sa kanilang probinsya kundi maging sa buong bansa.

“Kahit iba-iba sila ng Partido, nagkakaisa sila sa pagbibigay ng suporta kina BBM at Mayor Sara,” sabi ni Dysico.

Kinumpirma rin ito ng ilang alkalde kasama ang dahilan kung bakit sila naniniwala sa mensahe ng pagkakaisa ng UniTeam.

Sinabi ni Licab Mayor Femi Domingo na iboboto ng kanilang bayan si Marcos at Duterte dahil hindi nila makalimutan ang tulong na binigay sa kanila noong 2018 ng sila ay tamaan ng malakas na bagyo.

“Mga isa o dalawang buwan bago kami binagyo, nandito siya one whole day dahil nagsagawa ng recount dito. Nung dumating ‘yung bagyo, binaha kami at problema namin pati bigas,” sabi ni Domingo.

“Tumawag lang ako sa isa sa mga staff niya. Sinabi niya magpapadala daw sila ng bigas. Kinabukasan, dumating na ‘yung mga bigas. Madali siyang lapitan at talagang maaasahan mong mabilis magbigay ng tulong,” dagdag pa niya.

Para naman kay Carranglan Mayor Mary Abad, naniniwala siya na ang UniTeam ang makakatulong sa bansa upang makaahon at mas lalong umunlad.

Bilib din si Abad sa pinapakitang karakter ni Bongbong sa kabila ng mga paninirang binabato sa kanya ay mas pinili niya na ihatid ang mensahe ng pagkakaisa keysa sa pagkakawatak-watak.

“Naniniwala kami sa kanyang kakayahan na pamunuan ang ating bansa. Habang sinisiraan siya, lalo lang siyang nagugustuhan ng mga tao,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Talugtug Mayor Pacifico Monta, na malaki ang pasasalamat niya sa dating pangulo na si Ferdinand E. Marcos dahil sa mga lupa na ginawad nito sa kanyang mga nasasakupan.

“Sa bayan ko, aawayin ka ng tao kapag hindi ka BBM. Marami rin kasi kaming mga Ilocano doon at malaki rin ang utang na loob namin kay Presidente Marcos noon dahil kung hindi dahil sa kanya hindi magkakaroon ng sariling lupa ang marami sa mga taga-Talugtug,” sabi ni Monta.

Samantala, sinabi naman ni Nampicuan Mayor Victor Badar na hindi mapipigilan ang suportang binibigay ng mga tao para sa UniTeam.

“Hindi mo mapipigilan ang gusto ng mga tao,” wika nito.

Si Governor Aurelio Umali naman ay mainit ang naging pagtanggap sa UniTeam.

Nagsagawa rin siya ng mini-rally sa kanyang headquarters para sa mga taga-suporta ni Marcos at Sara.

Ilang pastor mula sa iba’t ibang kongregasyon sa Nueva Ecija ang kinausap ng dalawa kung saan binigyan, hindi lang sila, pati na rin ang UniTeam senatorial line- up ng basbas.

“Today is a day of celebration because we believe that the leader, the best leader of our land should be filled with the grace of God. And today it is an honor, an honor to thank You if they will be elected. They will be elected,” sabi ni Umali.

Ang mga bumisitang pastor ay mula sa Alliance of Ministers and Ministries of Nueva Ecija, Nueva Ecija Prayer Warriors, at New Sow Center.

Kasama rin sina Migz Zubiri, Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada, Loren Legarda, Harry Roque, at Larry Gadon sa UniTeam tandem sa kanilang pagbisita sa lalawigan ngayong araw.

-30-