Join the campaign (Learn More)

Waraylandia flaunts support for BBM-Sara UniTeam; sees peace and progress in the duo’s unifying leadership

Press Releases
30 November 2021

Thousands gathered to give a warm welcome to UniTeam Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. and Vice Presidential aspirant Sara Duterte when they visited Borongan, Eastern Samar, on Monday, November 30.

From the airport, the duo went straight to officially inaugurate the UniTeam headquarters in Borongan City; and before they proceeded to a UniTeam rally set in the province, Bongbong and Sara led a motorcade to express their gratitude to the warm reception and support of Boronganons to their tandem.

Meanwhile, the entire stretch of Bay Boulevard were filled with thousands of well-wishers and supporters sporting red and green T-shirts, where a brief program hosted by 4P’s Partylist Rep. Nonoy Libanan ensued.

Marcos Jr., visually ecstatic because of the phenomenal turnout of giant crowds who embraced the BBM-Sara tandem, stressed the importance and need to unify all leaders and the entire populace to hurdle the challenges posed by the Covid-19 pandemic and to reinforce the trust and faith of all Filipinos in the desire to continue and improve on what the Duterte administration had already successfully initiated.

“Ating pina-plano, at ating iniisip,  kung paano iaahon ang ekonomiya ng Pilipinas, kung papaano natin madedevelop ang Pilipinas, kung papaano mapupunta sa Samar at maipagpapatuloy ang inumpisahan ni Pangulong Duterte na ‘Build, Build, Build’ na mas palalakihin pa natin, mas paiigtingin pa natin,” Marcos Jr. stated.

Marcos Jr. also called on the people to give utmost importance and to further strengthen timeless values innate in every Filipino, values such as being caring, helpful and unifying even amidst life’s tests and crisis.

“Kailangan ang una nating gawin ay ipagsama-samang muli ang bawat Pilipino, hindi nag-aaway, kundi nagtutulungan. Hindi nagsisisihan, kundi nagkakaisa para sa ating minamahal na bansa,” Bongbong said.

-30-


FILIPINO VERSION

WARAYLANDIA SOLID ANG SUPORTA SA BBM-SARA UNITEAM

LIBU-LIBO ang sumalubong kina UniTeam Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice Presidential aspirant Sara Duterte sa kanilang pagbisita sa Borongan, Eastern Samar, nitong Lunes, Nobyembre 30.

Unang nagtungo ang BBM-Sara UniTeam upang opisyal na pasinayaan ang pagbubukas ng UniTeam headquarters sa Borongan City.

Bago naman tumuloy sa UniTeam rally sina Marcos Jr. at Sara, isang motorcade ang isinagawa nila bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Boronganon sa kanilang tambalan.

Napuno naman ng mga tao na nakapula at berde ang mga kasuotan ang kahabaan ng Bay Boulevard sa pagdating nina BBM at Sara para sa isang maigsing programa sa pangunguna ni 4P’s Partylist Rep. Nonoy Libanan.

Labis naman na ikinatuwa ni Marcos Jr. ang mainit na pagtanggap ng mga taga-Samar sa kanilang tambalan ni Sara. Para sa kanya, ang kanilang pagsasama sa UniTeam ay isang napakahalaga sa patuloy na pagkakaisa ng mga lider sa Pilipinas at mismong mga mamamayan sa pagharap ng bansa para malabanan ang pandemya at mapaigting pa ang kumpiyansa ng bawat Pilipino sa hangaring maipagpatuloy at mas pagbutihin pa ang nasimulan ng administrasyong Duterte.

“Ating pina-plano, at ating iniisip,  kung paano iaahon ang ekonomiya ng Pilipinas, kung papaano natin madedevelop ang Pilipinas, kung papaano mapupunta sa Samar at maipagpapatuloy ang inumpisahan ni Pangulong Duterte na ‘Build, Build, Build’ na mas palalakihin pa natin, mas paiigtingin pa natin.” pahayag ni Marcos Jr.

Sa huli, hinimok ni Marcos Jr. ang bawat isa na mas pahalagahan pa at palakasin ang tunay na ugali ng bawat Pilipno, at ito ay ang pagiging mapagmahal, matulungin at mapag-kaisa sa gitna man ng anumang pagsubok o krisis na pinagdaraanan.

“Kailangan ang una nating gawin ay ipagsama-samang muli ang bawat Pilipino, hindi nag-aaway, kundi nagtutulungan. Hindi nagsisisihan, kundi nagkakaisa para sa ating minamahal na bansa,” ayon kay Marcos Jr.

-30-