Join the campaign (Learn More)

Thousands of gallons of water, filtration kits handed out to typhoon 'Odette' victims — BBM

Press Releases
27 December 2021

WHILE wishing the public a Merry Christmas, Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. has not forgotten the victims of super typhoon Odette as he announced that thousands gallons of water and thousands of filtration kits were sent to the affected areas.

In an interview with Anthony Taberna and Gerry Baja's Dos Por Dos program aired over DZRH on Thursday, Marcos said the water and filtration kits were in time for the Christmas holidays.

“Ang kritikal ngayon sa panahon na ito, which is few days after ng bagyo, ay tubig. Kaya’t nagpadala kami ng almost 30 tons ng tubig sa iba’t ibang lugar. Ang isusunod namin ay yung filtration kit,” said Bongbong.

Bongbong also noted that filtration kits are very vital since the majority of the affected areas were having problem of getting clean water.

“Tamang tama ito, talagang dinesign ito para sa mga ganyan yung biglaang disaster na nawalan ng water supply. Ito simpleng simple lang. Kukuha ka ng balde bubutasin mo ilalagay mo yung filter dun sa butas at doon lalabas na yung tubig. Yung balde punuin mo ng tubig kahit saan galing,” he explained

The former senator added that a filtration kit can produce water for 100 people a day.

“Kayat kumukuha kami ng marami niyan para kahit hindi na madala yung bote-bote na tubig ay meron pa ring tubig ang tao,” Bongbong added.

Bongbong also claimed that they know the needs of the people based on their experience during typhoon Yolanda which hit the country the hardest in 2013.

“Yun ang mga natutunan namin nung Yolanda e. Tubig talaga is the first thing. After makapagdala ng pagkain, then tubig at ang susunod na ay yung reconstruction material,” Bongbong also noted.

As this developed, the former senator also announced that they are scheduled to send a ship to Palawan which was also severely affected by the typhoon.

“Lumalabas ang balita sa Palawan na medyo mabigat ang tama, kaya’t nagpadala na kami ng barko at sasalubungin namin. Dahil hindi pa pwede lumipad ngayon, kaya’t nagpadala na muna kami ng barko na may dalang mga gamit at relief goods para sa mga naging biktima ng Odette,” Bongbong announced.

The Bongbong and Sara Duterte team had earlier sent assistance in Siargao, Surigao, Bohol, Maasin, Cebu, Masbate and other areas hit by the typhoon.

They pledged to continue with their relief efforts and assistance even as the country celebrates Christmas and New Year.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM: LIBONG GALON NG TUBIG AT FILTRATION KIT IPINAMAHAGI SA MGA BIKTIMA NI ‘ODETTE’

KASABAY ng pagbati sa publiko ng maligayang pagdiriwang ng Pasko, hindi pa rin nakalimutan ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang tuloy-tuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng super typhoon Odette sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa programang Dos Por Dos ni Anthony Taberna at Gerry Baja sa DZRH nitong Huwebes, inanunsyo ni Marcos na libong galon na ng tubig at libu-libo ring filtration kit ang ipinadala nila sa mga biktima ng bagyong Odette.

“Ang kritikal ngayon sa panahon na ito, which is few days after ng bagyo, ay tubig. Kayat nagpadala kami ng almost 30 tons ng tubig sa iba’t ibang lugar. Ang isusunod namin ay yung filtration kit,” ani Bongbong.

Iginiiit pa ni Bongbong na importante ngayon ang mga filtration kit dahil halos walang mapagkunan ng malinis na tubig ang mga binagyong residente. Bukod sa madaling gamitin mabilis nitong matutugunan ang problema sa tubig.

“Tamang -tama ito, talagang naka-design ito para sa mga ganyang biglaang disaster na nawalan ng water supply. Ito simpleng-simple lang. Kukuha ka ng balde bubutasin mo ilalagay mo yung filter dun sa butas at doon lalabas na yung tubig. Yung balde punuin mo ng tubig kahit saan galing,” paliwanag ni Bongbong.

Dagdag pa ng dating senador, ang isang filtration kit ay kayang makapag-produce ng malinis na tubig para sa 100 tao sa isang araw.

“Kayat kumukuha kami ng marami niyan para kahit hindi na madala yung bote-bote na tubig ay meron pa ring tubig ang tao,” ani Bongbong.

Sinabi pa ni Bongbong na alam nila ang pangangailangan ng mga tao base na rin sa naging karanasan nila sa pagtulong noong bagyong Yolanda na pinaka-grabeng tumama sa bansa noong 2013.

“Yun ang mga natutunan namin nung Yolanda e. Tubig talaga is the first thing. After makapagdala ng pagkain, then tubig at ang susunod na ay yung reconstruction material,”

Kasabay nito, inihayag din ni Bongbong na sa susunod na linggo ay nakatakda naman silang magpadala ng barko sa Palawan na malubha ring naapektuhan at tinamaan ng bagyo.      

“Lumalabas ang balita sa Palawan na medyo mabigat ang tama, kaya’t nagpadala na kami ng barko at sasalubungin namin. Dahil hindi pa pwede lumipad ngayon, kaya’t nagpadala na muna kami ng barko na may dalang mga gamit at relief goods para sa mga naging biktima ng Odette,” dagdag pa ni Bongbong.

Nauna nang hinatiran ng tambalan nina Bongbong at Sara Duterte ang mga lugar sa Siargao, Surigao, Bohol, Maasin, Cebu, Masbate at iba pang mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Giit nila, tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong kahit na nagdiriwang ang bansa ng Pasko at Bagong Taon.

-30-