Join the campaign (Learn More)

SAFEGUARD MENTAL HEALTH OF STUDENTS IN F2F CLASSES: BONGBONG

Press Releases
8 November 2021

Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. called on the Department of Education (DepEd) and the Department of Health (DOH) to initiate efforts to address the mental health and physical well-being of students and teachers as pilot testing of face-to-face classes (F2F) classes is set to start on November 15.

According to Marcos Jr., the government is on the right track in making the crucial decision to have a strict pilot testing of F2F classes especially in National Capital Region (NCR) since the number of students going through mental health crises have increased rapidly, brought by the pandemic and prolonged lockdowns.

“Tama yung ginagawa ng ating gobyerno na magkaroon ng pilot testing ng F2F classes lalong-lalo na dito sa NCR na kung saan sa mahabang panahon ay hindi pinapayagang lumabas ang mga minor, at sa ngayon na nalalapit na ang pagbalik ng mga estudyante at guro sa eskwelahan dapat pagtuunan natin ng pansin ‘yung mental health ng mga bata at mga guro,” said Marcos.

“Siyempre kapag may mental health issues ang mga kabataang ito, bukod sa pag-aaral ay maaapektuhan din ang kanilang kalusugang physical kaya naman bigyan dapat natin ito ng karampatang pansin,” Marcos added.

The Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer cited neighboring countries like China which conducted F2F classes with special emphasis on the psychological state of each student and teachers.

“Magandang tingnan natin yung ginagawa ng ibang bansa, wag na tayong lumayo, like China, paano ba nila sinimulan ‘yung face to face classes at inalalayan ang mga bata at guro? ‘Di ba nagkaroon sila ng mga test at naglagay din sila ng mga equipment sa mga paaralan na tutulong sa mga estudyante na manumbalik ‘yung kanilang sigla at kumpyansa,” said Marcos.

“Well, I am confident that our government will take these issues seriously, may inilaan na silang budget para diyan kaya nasisiguro ko na magiging maayos itong pilot testing ng face to face classes this coming November 15,” said Marcos.

-30-


FILIPINO VERSION

MENTAL HEALTH NG MGA MAG-AARAL BIGYANG PANSIN: BONGBONG

Nanawagan si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Department of Education (DepEd) at Department of Health (DoH) na bigyan ng masusing pansin ang mental health at kalusugang pisikal ng mga mag-aaral at guro sa isasagawang pilot testing ng face-to-face (F2F) classes na sisimulan sa November 15.

Ayon sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer, tama ang ginawang desisyon ng gobyerno na magkaroon ng istriktong pilot testing ng F2F classes lalo na sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na nakararanas ng mental health problem dala ng mahabang lockdown.

“Tama ‘yung ginagawa ng ating gobyerno na magkaroon ng pilot testing ng F2F classes lalong-lalo na dito sa NCR na kung saan sa mahabang panahon ay hindi pinapayagang lumabas ang mga menor-de-edad, at sa ngayon na nalalapit na ang pagbalik ng mga estudyante at guro sa eskwelahan dapat pagtuunan natin ng pansin ‘yung mental health ng mga bata at maging ng mga guro,” sabi ni Marcos

“Siyempre kapag may mental health issues ang mga kabataang ito, bukod sa pag-aaral ay maaapektuhan din ang kanilang kalusugang pisikal kaya naman bigyan dapat natin ito ng karampatang pansin,” dagdag pa ni Marcos.

Binanggit din ng pambato ng PFP na magandang malaman ang paraan na ginawa ng ibang bansa tulad ng Tsina kung saan binigyang halaga ang pychological state ng mga mag-aaral at guro.

“Magandang tingnan natin ‘yung ginagawa ng ibang bansa, ‘wag na tayong lumayo, like China, paano ba nila sinimulan ‘yung face to face classes at inalalayan ang mga bata at guro? ‘Di ba nagkaroon sila ng mga test at naglagay din sila ng mga equipment sa mga paaralan na tutulong sa mga estudyante na manumbalik ‘yung kanilang sigla at kumpyansa,” sabi ni Marcos.

“Well, I am confident that our government will take these issues seriously, may inilaan na silang budget para diyan kaya nasisiguro ko na magiging maayos itong pilot testing ng face to face classes this coming November 15,” dagdag pa ni Marcos.

-30-