Join the campaign (Learn More)

RELAXED ALERT STATUS IN NCR WILL BRING MORE JOBS — BBM

Press Releases
7 November 2021

Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., lauded the government for placing Metro Manila in a more relaxed alert level 2 status hoping that it will restore economic vitality and create more jobs.

In a statement, Marcos said this was his earlier call to the government to open businesses to recover and revive the country's economy.

“Nagpapasalamat po tayo sa pamahalaan sa mas maluwag na alert level status, dahil nakasisiguro tayo na mas marami itong make-create na trabaho at muli nang makakabawi ang ating ekonomiya,” Marcos said in a statement.

It will be recalled that the country’s unemployment rate rose to 8.9 percent in September 2021, which is considered the highest this year.

“Umaasa tayo na marami pang negosyo ang magbubukas dahil sa maluwag na alert status at mas marami ang lumalabas na tao para tangkilikin ang mga negosyo,” Marcos said.

At the same time, Marcos called on the public to continue to follow health protocols despite the relaxation of the alert status in the country.

He also said that the public should not be complacent even though the number of victims of Covid-19 continues to decline.

“Let us go on with our lives, but let us still wear our face masks, let us always wash our hands and follow the health standard of our government. Let's fight Covid-19 together, ”Marcos stressed.

Marcos also called on the government to continue to strengthen public vaccination because it is still the most effective weapon to eradicate the virus.

According to the latest Department of Health (DOH) records, more than 63 million people have been vaccinated by the government nationwide. Currently, more than 600,000 people are vaccinated every day in the country and it is targeted to reach one million people per day.

“Matagal na po kaming kaisa ng pamahalaan at nang nakararami na itong pagbabakuna ang pinaka-matibay nating sandata laban sa Covid,” said Marcos.

-30-

FILIPINO VERSION

PAGLULUWAG SA NCR, MAGDADALA NG MARAMING TRABAHO — BBM

UMAASA si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na muling manunumbalik ang sigla ng ekonomiya at maglilikha ng maraming trabaho ang paglalagay ng pamahalaan sa mas maluwag na alert level 2 status sa Metro Manila.

Sa pahayag, sinabi ni Marcos na ito ang nauna na rin nilang panawagan na buksan na ang mga negosyo para makabawi at muling sumigla ang ekonomiya ng bansa.

“Nagpapasalamat po tayo sa pamahalaan sa mas maluwag na alert level status, dahil nakasisiguro tayo na mas marami itong make-create na trabaho at muli nang makakabawi ang ating ekonomiya,” pahayag ni Marcos.

Matatandaan na pumalo na sa 8.9 percent and unemployment rate sa bansa nitong Setyembre 2021, at ito ang itinuturing na  pinakamataas ngayong taon.

“Umaasa tayo na marami pang negosyo ang magbubukas dahil sa maluwag na alert status at mas marami ang lumalabas na tao para tangkilikin ang mga negosyo,” dagdag ni Marcos.

Kasabay nito, nanawagan naman si Marcos sa publiko na tuloy-tuloy pa rin ang pagsunod sa mga health protocols sa kabila nang pagluluwag ng alert status sa bansa.

Ayon sa kanya, hindi rin dapat magpakampante ang publiko kahit na patuloy na bumababa ang mga bilang ng tinatamaan ng Covid-19.

“Ituloy natin ang buhay natin, pero isuot pa rin natin ang face mask natin, palagian pa rin tayong maghugas ng kamay at sumunod sa mga itinakda ng ating pamahalaan. Sama-sama nating labanan ang Covid-19,” giit ni Marcos.

Nanawagan din si Marcos na patuloy pang palakasin ng pamahalaan ang pagpapabakuna sa publiko dahil ito ang pinakamabisang sandata para mapuksa ang virus.

Sa pinakahuling talaan ng Department of Health (DOH), aabot na sa mahigit 63 milyon ang nabakunahan ng pamahalaan sa buong bansa. Sa kasalukuyan ay mahigit 600,000 ang binabakunahan kada-araw sa bansa  at target itong paabutin ng isang milyon katao ang matuturukan kada araw.

“Matagal na po kaming kaisa ng pamahalaan at nang nakararami na itong pagbabakuna ang pinaka-matibay nating sandata laban sa Covid,” ani Marcos.

-30-