Join the campaign (Learn More)

BUDGET CUT MAY UNDERMINE SUCCESS VS INSURGENCY — BONGBONG

Press Releases
11 November 2021

Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. feared that the successful campaign of National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) may be put to waste after the Philippine Senate slashed the agency’s budget for 2022 by P24 billion.

In a statement, Marcos, the standard-bearer of the Partido Federal ng Pilipinas (PFP), said he was saddened by the Senate's decision to reduce the budget of NTF-ELCAC to P4 billion from the proposed P28.12 billion budget for next year.

“Nakapanghihinayang na baka mabalewala at masayang lamang ang magandang nasimulan ng ahensya. Batid natin na kailangan ng sapat na pondo para masugpo ang insurgency na limang dekada na nating nilalabanan,” Marcos said.

Although Marcos acknowledged that the government funding should be focused on the fight against Covid-19, he stressed that the country must also prioritize the fight against any government threat and insurgency led by the Communist Party of the Philippines, New People’s Army, and National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Records from the NTF-ELCAC show a total of 882 barangays in the country have been cleared from the terrorist group NPA from 2016 to 2019.

According to NTF-ELCAC, from its P16.44 billion budget this year, most of which went to its flagship program, the Barangay Development Program (BDP), where they provided development package incentives of P20 million to each barangay cleared of communist influence, including the construction of farm-to-market roads, health stations, classrooms, water sanitation systems, rural electrification and other livelihood programs.

“Kung matitigil ang mga ito, nakakatakot isipin na ang mga barangay na nalinis na sa mga rebelde ay muling magbalik sa dating gawi nila na paglaban sa pamahalaan. Kaya dapat ay pag-isipan itong mabuti ng ating mga mambabatas,” Marcos explained.

Marcos added that he fully supports any government campaign against insurgency in the country to once and for all end this hindrance to progress especially in the countryside.

-30-

FILIPINO VERSION

TAGUMPAY NG NTF-ELCAC MATUTUNAW SA PAGKATAPYAS NG PONDO —BONGBONG

NANGANGAMBA si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na posibleng mabalewala ang pinaghirapan at magandang nasimulan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa pagtapyas ng P24 bilyon sa pondo nito para sa 2022.

Ayon kay Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), nalulungkot siya sa pagkatapyas ng Senado sa pondo ng naturang ahensya dahil saksi siya sa naging tagumpay nito sa pagsugpo ng insurhensiya sa bansa partikular ang paglaban sa teroristang New People’s Army.

Mula sa proposed budget na P28.12 bilyon, tinapyasan ito ng Senado ng aabot sa P24 bilyon kaya pagkakasyahin lamang ng NTF-ELCAC ang P4 bilyong pondo na inilaan sa kanila para sa taong 2022.

“Nakapanghihinayang na baka mabalewala at masayang lamang ang magandang nasimulan ng ahensya. Batid natin na kailangan ng sapat na pondo para masugpo ang insurgency na limang dekada na nating nilalabanan,” ayon sa pahayag ni Marcos.

Bagama’t aminado si Marcos na dapat pagtuunan ng pansin ang pondo sa paglaban sa Covid-19, iginiit nito na dapat ding bigyang pansin ang pondo para sa paglaban sa mga kaaway ng gobyerno.

Ayon sa talaan ng NTF-ELCAC, aabot sa 882 barangay sa bansa ang idineklarang ligtas na sa panganib mula sa NPA mula 2016 hanggang 2019.

Nitong nakaraang taon, mayroong P16.44 bilyong pondo ang ahensya na karamihan ay napunta sa flagship project ng task force na tinawag na Barangay Development Program (BDP) kung saan nagbibigay sila ng insentibong P20 milyon sa bawat “cleared barangay,” para sa development package nito, kabilang ang pagpapagawa ng mga farm-to-market road, health stations, classrooms, water sanitation systems, rural electrification at iba pang programang pangkabuhayan.

“Kung matitigil ang mga ito, nakakatakot isipin na ang mga barangay na nalinis na sa mga rebelde ay muling magbalik sa dating gawi nila na paglaban sa pamahalaan. Kaya dapat ay pag-isipan itong mabuti ng ating mga mambabatas,” paliwanag ni Marcos.

Dagdag pa ni Marcos, suportado niya ang anumang kampanya ng pamahalaan para wakasan ang insurhensiya sa bansa.

-30-