Join the campaign (Learn More)

BBM-Sara UniTeam urges youth participation in PH post-pandemic recovery

Press Releases
1 December 2021

The BBM-Sara UniTeam of presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. and vice-presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte urged youth leaders in Quezon province to assist in the country's post-pandemic recovery.

On Wednesday morning, the formidable tandem met with Quezon Youth leaders at the jampacked Quezon Convention Center in Lucena City.

In his speech, Marcos Jr. prodded the youth leaders to become active participants in the affairs of their respective communities.  He added that it would be their sector that will eventually move the country past the pandemic.

"’Pag meron kayong naiisip na maganda na maaring gawin para makatulong, makialam kayo. Sabihin nyo ito ang gawin natin. At ‘yan ang kailangan ng lahat. Hindi na tayo pwedeng business as usual, in many ways it will be the young people who will lead us into the future,” Marcos Jr. said.

Marcos Jr. also reiterated the importance of giving voice to the youth and encouraging them to share their new ideas with the government, especially now that the country is gearing towards a post-pandemic scenario.

He also acknowledged the youth's ability to adapt to fast-changing technologies and viewed this as a means to help those in need.

"We need your new ideas, we need your energy, and we need your ideology. The fresh ideas that you can bring to the government is so necessary now especially that technology is moving so quickly at kung minsan kami, sabihin na lang natin na nakakatanda sa inyo ng kaunti ay hindi kasing sanay at hindi kasing bilis na makaunawa sa mga bagong sitwasyon, sa mga bagong teknolohiya at kung papaano nating magagamit ang teknolohiya na ‘yan para tulungan ang taumbayan,"  Marcos Jr. added.

Marcos Jr., who was instrumental in creating the National Youth Commission (NYC), recognized the importance of giving voice to the youth. He also identified pressing concerns affecting the sector that need to be addressed.

"’Yung teenage pregnancy, ‘yung drug abuse, ‘yung bullying ngayon. May cyber-bullying pa at marami pang iba na hindi namin nakikita kaya’t kailangan natin marinig ang boses ng kabataan, kaya ako itinaguyod natin ang ating National Youth Commission,"  Marcos Jr. said.

During the event,  Marcos also said that he considers himself the luckiest presidential aspirant for having Inday Sara as his running-mate in the upcoming elections.

"Nakita po ninyo sa salita ng ating kandidato bilang bise-presidente na ako ang pinakamapalad na presidential aspirant dahil ang naging running-mate ko ay napakagaling, napakarunong, nakapahaba ng karanasan at napakalaki ang pagmamahal sa ating mga kababayan,"  Marcos Jr. said.

Former Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo, House Majority Floor Leader Martin Romualdez, former senator Jinggoy Estrada, Cong. Mikee Arroyo, Cong. Jay-Jay Suarez, Quezon province Governor Danilo Suarez, and other local officials from Quezon province joined the BBM-Sara UniTeam in the sortie.

The Quezon province sortie followed the very successful visit of the tandem in Samar and Leyte, where thousands went out to show their support.

The BBM-UniTeam also led the symbolic 'Salubong' done in the historic San Juanico Bridge.  The event was a symbolic gesture of the union between the North represented by Marcos and the South represented by Duterte.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM-SARA UNITEAM HINIMOK ANG MGA KABATAAN NA AKTIBONG MAKILAHOK SA PAGBANGON SA PANDEMYA

HINIMOK nila presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte, ng BBM-Sara UniTeam, ang mga lider ng kabataan sa probinsya ng Quezon na makilahok at aktibong tumulong sa post-pandemic recovery ng bansa.

Ito ang panawagan nitong Miyerkules ng umaga ng BBM-Sara Uniteam sa harap ng libu-libong mga kabataan sa Quezon Convention Center sa Lucena city.

Iginiit ni Marcos Jr. sa mga youth leader na dapat ay maging aktibo sila sa kanilang mga komunidad sa pagtulong sa pamahalaan na muling makabangon mula sa pandemya.

"’Pag meron kayong naiisip na maganda na maaring gawin para makatulong, makialam kayo. Sabihin nyo ito ang gawin natin. At yan ang kailangan ng lahat. Hindi na tayo pwedeng business as usual, in many ways it will be the young people who will lead us into the future,” ayon kay Bongbong.

Idinagdag pa ni Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagbibigay ng boses sa mga kabataan kasabay nang paghikayat sa mga ito na ibahagi nila ang kanilang mga bagong ideya sa pamahalaan.

Aniya, kinikilala ng BBM-Sara UniTeam ang kakayahan ng mga kabataan lalo na pagdating sa mga teknolohiya at mga makabagong ideya na malaki ang maitutulong sa gobyerno.

"We need your new ideas, we need your energy, and we need your ideology. The fresh ideas that you can bring to the government is so necessary now especially that technology is moving so quickly at kung minsan kami, sabihin na lang natin na nakakatanda sa inyo ng kaunti ay hindi kasing sanay at hindi kasing bilis na makaunawa sa mga bagong sitwasyon, sa mga bagong teknolohiya at kung papaano nating magagamit ang teknolohiya na ‘yan para tulungan ang taumbayan,"  dagdag ni Marcos Jr.

Ani Marcos Jr., na nasa likod ng pagbuo ng National Youth Commission (NYC), napaka-importante ng pagbibigay ng boses sa mga kabataan.

"’Yung teenage pregnancy, ‘yung drug abuse, ‘yung bullying ngayon, may cyber-bullying pa marami na, maraming iba’t iba pang na hindi namin nakikita kaya’t kailangan natin marinig ang boses ng kabataan kaya ako itinaguyod natin ang ating National Youth Commission,"  ani Marcos Jr.

Muli namang iginiit ni Marcos na siya ang pinaka-masuwerteng presidential aspirant matapos maging katambal si Sara sa darating na halalan.

"Nakita po ninyo sa salita ng ating kandidato bilang bise-presidente na ako ang pinakamapalad na presidential aspirant dahil ang naging running-mate ko ay napakagaling, napakarunong, nakapahaba ng karanasan at napakalaki ang pagmamahal sa atin mga kababayan,"  giit ni Marcos Jr.

Dumating din sa naturang event sina dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, House Majority Floor Leader Martin Romualdez, dating senador Jinggoy Estrada, Cong. Mikee Arroyo, Cong. Jay-Jay Suarez, Quezon province Governor Danilo Suarez, at iba pang opisyal ng Quezon province na nakiisa sa BBM-Sara UniTeam sortie.

Kagagaling lamang ng BBM-Sara UniTeam sa matagumpay na sortie sa Samar at Leyte na dinaluhan ng libu-libong taga-suportang Waraynon.

Pinangunahan din ng Bongbong-Sara tandem ang simbolikong ‘Salubong’  na isinagawa sa makasaysayang San Juanico Bridge.

-30-