Join the campaign (Learn More)

BBM-SARA UNITEAM REVEALS INITIAL STRENGTH IN CARAVAN FOR UNITY, PEACE AND PROGRESS

Press Releases
21 November 2021

MILLIONS of BBM-Sara Uniteam supporters on Sunday displayed their initial strength by staging what they described as the caravan for peace, unity and progress in more than dozens of cities and provinces all over the country.

The simultaneous BBM-Sara Uniteam cavalcade was initiated by the grassroots supporters of both presidential aspirant Bongbong Marcos and Sara Duterte, which started as early as 8 a.m. in more than 30 cities and 15 provinces in Mindanao, Bicol Region, Calabarzon, Abra, certain provinces in Northern Luzon, and Metro Manila.

The series of caravans, which was attended by Bongbong and Sara in Davao Del Norte, was the first since they separately announced their candidacy.

Both aspirants led their supporters in a massive show of force in Carmen and Tagum City with the numbers swelling to more than 10,000 participants, practically turning the streets into a sea of red and green.

For the first time, the tandem addressed their supporters together and thanked them “for their support in our effort to rise again.”

“We will rise again,” Marcos told the crowd.

“Let us protect our candidates, let us protect our President, and let us protect BBM,” Sara addressed their supporters while calling for unity.

Bongbong and Sara also led in the oath-taking of new officials and candidates of the

Partido Federal ng Pilipinas (PFP), followed by the blessing and opening of the PFP headquarters in Tagum City.

“I’m really overwhelmed, just seeing the posts and live videos on social media by our supporters. I don’t know how to thank them for the effort they are showing,” Marcos said.

Tens of thousands also joined the caravan in Ilocos Norte and Ilocos Sur, further fortifying the “Solid North” that have been traditionally behind the Marcos family.

Residents of Isabela also poured into the streets, while at least 15,000 BBM supporters trooped to the streets in Abra behind Abra Rep. JB Bernos and other local officials.

Not to be outdone, the locals of Pangasinan, Nueva Ecija, and Bataan joined their respective “unity ride” to show support for the BBM-Sara Uniteam, especially for Marcos who they said was being riddled with false accusations.

“The more they try to besmirch BBM’s reputation the more we are focused on showing them how ardent and relentless our support for him. This caravan is our answer to his call for unity,” said a supporter in Pangasinan.

Thousands also joined the caravans in Bicol Region, Cavite, Batangas, Quezon and Laguna.

In Metro Manila, throng of BBM-Sara Uniteam supporters from Parañaque, Quezon City, Caloocan, Pasay, and Manila held their own cavalcades, while a group of bikers organized a clean-up drive in Manila Bay along the Mall of Asia in Pasay City.

“Unity Riders” from Visayas and Mindanao also took to the streets in Bacolod, Aklan, and Cagayan de Oro, where at least 10, 000 individuals registered.

Some of the invitations that were posted on social media as early as Saturday also emphasized that the supporters were not paid and were advised to follow minimum health protocols.

Marcos thanked the organizers for “voluntarily organizing the simultaneous events and for their sacrifices in being able to come up with a successful unity ride.”

The BBM-Sara Uniteam believes that the country should have a “unifying leadership” as we try to move on from the pandemic.

- 30 -

BBM-SARA1.jpg
BBM-SARA2.jpg
BBM-SARA3.jpg

ENGLISH - Tens of thousands of BBM-Sara Uniteam supporters trooped to the street in Tagum City, Davao Del Norte Sunday in a massive show of force. This is the first time that presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte joined the “Caravan for Unity, Peace and Progress” that was organized by their grassroots supporters.

FILIPINO - Dinagsa ng libu-libong taga-suporta ang BBM-Sara Uniteam sa Tagum city, Davao del Norte Linggo ng umaga. Ito ang unang pagsasama nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte na personal na nakiisa sa tinawag ng kanilang grassroots supporters na “Caravan for Unity, Peace and Progress.”

FILIPINO VERSION 

BBM-SARA UNITEAM NAGPAKITA NG LAKAS SA CARAVAN PARA SA PAGKAKAISA, KAPAYAPAAN AT PAG-UNLAD

MILYUN-milyong taga-suporta ng BBM-Sara Uniteam ang nagpakita ng kanilang lakas sa pamamagitan ng malawakang caravan ngayon, Nobyembre 21, na tinaguriang “caravan para sa pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad” sa iba't ibang lungsod at probinsiya sa buong bansa.

Ang serye ng “unity ride” ay pinangunahan ng grassroots supporters nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte na nagsimula dakong ika-pito ng umaga sa mahigit 15 probinsiya at 30 lungsod sa Mindanao, Bicol, Calabarzon, Metro Manila hanggang Abra at Northern Luzon.

Tila nagkulay pula at berde ang bansa dahil sa serye ng caravan na sa kauna-unahang pagkakataon simula nang ianunsyo ang kanilang tambalan, ay dinaluhan nina Bongbong at Sara para pangunahan ang caravan ng supporters sa Davao del Norte.

Sinuyod ng BBM-Sara Uniteam ang Carmen at Tagum city sa Davao del Norte na kinuyog ng libu-libong taga-suporta.

Sa kauna-unahang pagkakataon bilang tandem, magkasunod ding nagsalita si Bongbong at Sara sa harapan ng publiko sa Tagum City.

“Salamat sa inyong suporta at salamat sa inyong pagsama sa amin ni Sara sa pagbangong muli. Babangon tayong muli,”pahayag ni Bongbong.

“Protektahan natin ang ating kandidato, protektahan natin ating presidente at protektahan natin si BBM.” ayon naman kay Sara na nanawagan din ng pagkakaisa.

Pinangunahan din ng BBM-Sara Uniteam ang oath-taking ng mga bagong opisyal at kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas  kung saan si Marcos and standard-bearer. Kasabay rin nito ang pagpapasinaya sa bagong headquarters ng PFP sa Tagum city.

“Sobrang overwhelming, makita ko pa lamang ang mga post at mga live videos sa social media ng ating mga taga-suporta ay sobrang nakatataba ng puso. Hindi ko alam kung paano sila lahat mapasasalamatan sa mga effort na ipinakita nila,” sabi pa ni Bongbong.

Libu-libo rin ang dumalo sa caravan sa Ilocos Sur at Norte na kilalang “solid north” at matagal nang sumusuporta sa pamilya Marcos. Lumahok din sa serye ng motorcade ang mga residente ng mga probinsiya ng Isabela.

Halos napuno naman ang mga kalsada ng BBM supporters sa Abra na aabot ng mahigit 15, 000 na pinangunahan ni Abra Rep. JB Bernos kasama ang iba pang lokal na opisyal sa probinsya.

HIndi rin nagpaiwan ang supporters ng BBM-Sara Uniteam sa Pangasinan, Nueva Ecija at Bataan na kanya-kanya ring nakiisa sa ginawang “unity ride.”

Karamihan sa supporters ay iginiit na nagpakita umano sila ng suporta sa BBM-Sara Uniteam lalo na kay Bongbong na patuloy binabato ng mga mapanira ngunit hindi totoong akusasyon.

“Habang binabato nila si Marcos ng kung anu-anong paratang lalo naming ipapakita na mas matindi at matibay ang suporta namin sa kanya. Katulad ng panawagan ni Bongbong na pagkakaisa, itong caravan ang pagpapakita namin ng pagkakaisa,” ayon kay Isidro Lanting na dumalo sa caravan sa Pangasinan caravan.

Lumahok din sa serye ng motorcade ang supporters ni Marcos sa Bicol region, Cavite, Batangas, Quezon at maging sa Laguna.

Meron ding Caravan sa Metro Manila, kabilang ang Parañaque, Quezon city, Caloocan, Pasay at Maynila. Ang mga bikers na BBM-Sara Uniteam supporters nagsagawa pa ng clean-up drive sa Manila Bay malapit sa Mall of Asia sa Pasay city.

Hindi rin nagpahuli sa unity ride ang mga probinsya sa Visayas at Mindanao kabilang ang Bacolod, Aklan, at Cagayan de Oro.

Sa Cagayan de Oro pa lamang, kinumpirma rin ng mga lider sa lugar na aabot sa mahigit 10, 000 and dumalo base na rin sa mga kumpirmadong nagpa-rehistro sa naturang motorcade.

“Sa mga organizers at sa lahat-lahat na boluntaryong nag-asikaso, nagpuyat at nagtulong-tulong para lamang maisakatuparan ang unity ride na ito ang tanging itutugon ko lamang sa inyo ay ang pagbibigay ng magandang serbisyo publiko bilang pasasalamat sa suportang ipinakita niyo sa amin sa BBM-Sara Uniteam,” ani Bongbong.

Bukod sa mga serye ng caravan, kita rin ang lakas ng suporta sa BBM-Sara Uniteam na kapwa naniniwala sa mapagkaisang liderato o “unifying leadership” dahil sa patuloy nilang pamamayagpag sa mga survey na isinagawa kamakailan.

-30-