Join the campaign (Learn More)

'Poetic justice' seen in Bongbong's dominant performance in surveys, says transport group

Press Releases
27 October 2021

A leader of a transport group supporting the candidacy of Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. on Monday said his commanding performance in recent surveys is a form of 'poetic justice' being served by the electorate following his loss through alleged fraud count in the 2016 vice-presidential race.

"BBM's performance in these recent surveys is in itself 'Poetic justice.” There are already signs that the 2022 elections will be a reckoning for some of the other candidates.  If indeed the 2016 vice-presidential race was closely contested, we should have seen that in the surveys by now.  Where are the more than 14 million who allegedly voted for Robredo?"  said Roberto 'Ka Obet' Martin, National President of the Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda).

Poetic justice is an ideal form of justice in which the good characters are rewarded and the bad characters are punished, by an ironic twist of fate.

True to form, the recently published Presidential Preference Survey of PUBLiCUS Asia Inc. showed Marcos dominating by garnering 49.3 percent of the votes.  Meanwhile, Leni Robredo only got 21.3 percent.  Manila Mayor Isko Moreno got 8.8 percent followed by Ping Lacson with 2.9 percent and Manny Pacquiao with 2.8 percent. 

The results also showed Marcos pulling away in key voting areas such as in the National Capital Region (NCR), where he got 40 percent of the votes, while in North and Central Luzon, he obtained 55.7 percent of the votes. In South Luzon, he registered 38.2 percent, while in the Visayas, he got 44.7 percent. Capping it with a whopping 62.5 percent voter preference in Mindanao.

"There is no way to explain this kind of performance other than that he has a mandate to fulfill from the people.  The support that he got in 2016 is intact and still growing as the election nears.  Bongbong has the full support and confidence of a large majority of the electorate," Martin added.

Marcos is also posting spectacular results in the Kalye Surveys being conducted by YouTube vloggers all over the country. 

While informal in nature and having a different methodology as those used by polling firms, the Kalye survey is seen as a 'real man' street survey that effectively captures the political pulse of working-class Filipinos.

Pasang Masda is one of the many transport groups that recently met with Marcos to formally back his candidacy.

Martin added that they agree with Marcos's plans for the transport sector and they trust that he will implement them when he wins in the upcoming elections.

"Kaya sinang-ayunan namin ang kanyang magagandang layunin at kami ay umaasa na mapapatupad ang mga napagusapan kapag siya ang nanalo sa 2022. Kami ay natutuwa at nagpapasalamat sa magandang layunin hindi lang sa transportasyon kundi sa ating bansang Pilipinas," Martin said in Filipino.

-##-

FILIPINO Version

PANGINGIBABAW NI BONGBONG SA MGA SURVEY, RESBAK NG TAUMBAYAN SA NAGING DAYAAN NOONG 2016 – TRANSPORT GROUP

Naniniwala ang lider ng isang transport group na suporter ni Partido Federal ng Pilipinas  (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na ang pangingibabaw nito sa mga survey ay resbak ng taumbayan sa ginawang pandaraya kay Marcos na tumakbong bise presidente noong 2016 elections.

“Karma itong nakikita nating resulta ng mga survey ngayon. Nakikita na natin ang mga senyales na ang eleksyon sa Mayo 2022 ay magiging araw ng pagtutuos para sa ilang mga kandidato. Kung talagang totoo ‘yung naging resulta nung 2016 vice-presidential race, nagrereflect na sana ‘yun sa mga survey ngayon. Nasaan na ang mahigit 14-milyon na botante ni Leni?” giit ni Roberto 'Ka Obet' Martin, National President ng Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda).

Sa pinakabagong Presidential Preference survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc., nangibabaw si Marcos na nakakuha ng 49.3 porsyento ng boto. Si Leni Robredo ay nakakuha ng 21.3 porsyento, si Manila Mayor Isko Moreno ay may 8.8 porsyento, habang si Ping Lacson ay may 2.9 porsyento at si Manny Pacquiao naman ay may 2.8 porsyento. 

Nakita rin sa survey na angat si Marcos sa key voting areas gaya ng National Capital Region (NCR), kung saan nakakakuha siya ng 40 porsyento ng mga boto, 55.7 porsyento naman sa North at Central Luzon at 38.2 porsyento sa South Luzon. Sa Bisaya naman ay nakakuha siya ng 44.7 porysento at tumataginting naman na 62.5 porsyento sa Mindanao.

"Isa lang ang paliwanang dito – may mandato ng taumbayan si Bongbong. Buo pa rin ang suportang nakuha niya noong 2016 at lalo pa itong lumalaki habang papalapit ang eleksyon. Bongbong has the full support and confidence of a large majority of the electorate," ani ni Martin.

Makikita rin ang pangingibabaw ni Marcos sa mga Kalye Survey na ginagawa ng mga YouTube vloggers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Hindi man pormal at hindi sumusunod sa mga karaniwang metodolohiya na sinusunod ng mga polling firms, ang mga Kalye Survey ay sinasabing 'real man,' ‘real street’ survey na nagpapakita ng totoong pulso ng masang Pilipino.

Kasama ang Pasang Masda sa mga transport groups na nagpahayag kamakailan ng suporta sa kandidatura ni Marcos.

Ayon kay Martin, sang-ayon sila sa mga plano ni Marcos para sa transport sector at malaki ang tiwala nilang maisasakatuparan ang mga naturang plano kapag nanalo ito sa darating na halalan sa Mayo.

"Kaya sinang-ayunan namin ang kanyang magagandang layunin at kami ay umaasa na mapapatupad ang mga napagusapan kapag siya ang nanalo sa 2022. Kami ay natutuwa at nagpapasalamat sa magandang layunin ng ‘Best Bet ng Mamamayan’ hindi lang sa transportasyon kundi sa ating bansang Pilipinas," giit nito.

-##-