Join the campaign (Learn More)

OCTA Research survey says only 9% of voting Class A-B-C approved Leni; while 63% favored Bongbong Marcos

Press Releases
27 December 2021

IN what could be a clear giveaway judging from the results of the recent OCTA Research survey, it turned out that Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., has the overwhelming support of the Class A-B-C voters after more than 60 percent chose him as their president for the 2022 polls.

The OCTA Research Tugon Ng Masa nationwide survey was conducted from December 7-12 participated in by 1,200 respondents 99.6 % of whom were all registered voters, and has -+ 3 percent margin of error. 

According to the results, of the total respondents 63% from Class ABC said they would vote for Marcos if the elections happened at the time of the poll, while Class D recorded 55% and the Class E bracket registered 46%.

Meanwhile, Francisco Domagoso received 14% preference votes from Class ABC, Leni Robredo with 9%; Manny Pacquiao with 5%; and Panfilo Lacson with 2%.

For classes D and E, all aspirants aside from Marcos received less than 25% preference votes.

This latest election survey proved that Marcos is the most preferred presidential aspirant from all socioeconomic classes.

It was proven not only through surveys but also from the massive supporters who continue to join him and his vice presidential partner Sara ‘Inday’ Duterte during their UniTeam rides and motorcades nationwide.

The same survey showed that Marcos will also dominate the May 2022 presidential derby in all areas of the country as he received more than the majority of the preference votes with 54%.

Inday Sara also topped the vice-presidential survey with 50%.

This survey confirmed and reinforced the previous polls by other firms, SWS, Publicus, Kalye Survey, DZRH, RMN, and Pulse Asia, among others, showing Marcos pulling away from the pack of other presidential hopefuls.

-30-

FILIPINO VERSION

OCTA RESEARCH SURVEY: 9% NG CLASS A-B-C VOTERS KUMAKALAS KAY LENI; 63% PABOR KAY BBM

PATULOY na nangunguna sa mga survey si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kasabay nito ay nakakuha rin siya ng pinakamataas na suporta sa Class A-B-C voters na aabot sa mahigit 60 porsyento sa pinakahuling resulta ng survey ng OCTA Research.

Sa naturang survey na isinagawa nitong Disyembre 7-12 sa 1, 200 respondents, lumalabas na 63 percent mula sa Class A-B-C o ang mga botanteng negosyante at propesyunal, ang nagsabing iboboto si Marcos sa pagka-pangulo kung ngayon gagawin ang eleksyon.

Malaki pa rin ang inilamang ni Marcos sa mga kalaban sa Class D kung saan nakakuha siya ng 55 percent habang 46 percent naman sa Class E bracket.

Malayong nasa pangalawa lamang si Francisco Domagoso na nakakuha ng 14 percent preference votes mula sa Class ABC habang si Leni Robredo ay mayroon lamang siyam na porsyento; Manny Pacquiao, limang porsyento; at Panfilo Lacson, dalawang porsyento.

Sa Class D at E, maliban kay Marcos, lahat ng mga presidential aspirant ay hindi nakakuha ng mas mataas sa 25 porsyento na preference votes.

Sa mga serye ng survey, lumalabas na si Marcos din ang paborito at patuloy na namamayagpag sa lahat ng socioeconomic classes.

Bukod sa mga survey, nakikita rin ang mainit na pagpapakita ng suporta kay Marcos at ang kanyang ka-tandem na si  vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte sa mga isinasagawang UniTeam rides at motorcade sa iba’t ibang panig ng bansa.

Matatandaan na sa naturang survey ng OCTA Research lumalabas na 54 porsyento ng mga botante sa buong bansa ang pabor kay Marcos.

Nanguna naman si Inday Sara sa vice presidential race na nakakuha ng 50 porsyento.

Ang survey ng OCTA Research ay nagkukumpirma rin sa iba pang mga survey na isinagawa ng SWS, Publicus, Kalye Survey, DZRH, RMN, at Pulse Asia, kung saan ang tambalan ng BBM-Sara UniTeam ang patuloy na tumataas at nangunguna.

-30-